Ipinagdiwang ng aktres na si Jodi Santa Maria ang kanyang ika-34 na kaarawan sa pamamagitan ng pagvo-volunteer.
Napiling magdaos ng kaarawan ni Jodi sa Habitat For Humanity na isang NGO na tumutulong sa pagpapatayo ng mga tahanan.
Ayon kay Jodi, aminado siyang nahirapan sa pagtulong gumawa ng bahay, ngunit mas mahirap, aniya, ang walang tirahan.
Nang tanungin kung nahanap na ba ni Jodi ang kanyang dahilan sa buhay, sinabi nitong ang pagsilbihan ang panginoon at kanyang kapwa sa abot ng kanyang makakaya.
By: Avee Devierte