Itinanggi ng aktres na si Jodi Sta. Maria na nakipagbalikan na ito sa ex boyfriend niyang si Jolo Revilla.
Umugong ang ispekulasyon ng pagbabalikan ng dalawa nang lumabas ang kanilang larawan nina Jodi, Jolo at mga kaibigan nito na magkakasama.
Sinabi ni Jodi na magkaibigan pa rin naman sila ni Jolo kahit na hindi na sila.
Binigyang diin ni Jodi na wala naman siyang nakikitang masama na makitang magkasama pa rin ni Jolo sa kabila ng mga nangyari.
Sinabi ni Jodi na masaya siya sa kung anuman mayruon siya at ayaw muna niya ng mga bagay na makapagbibigay ng anumang pressure.
By: Ralph Obina