Na-nominate si Jodi Sta. Maria sa best actress category sa International Emmy Awards para sa performance niya bilang Amor Powers sa teleserye ng ABS-CBN na Pangako Sa’yo.
Ayon sa International Academy of Television Arts and Sciences, si Jodi ay isa lamang sa 40 nominees mula sa 15 bansa na kasali sa sampung category.
Apat lamang ang nominado sa pagka-best actress sa International Emmy Awards at bukod kay Jodi, kabilang dito sina Academy award winning British Actress Dame Judi Dench, Grazi Massafera mula sa Brazil at Christiane Paul mula sa Germany.
Una nang kinilalang best actress si Jodi Sta. Maria sa nasabing role niya bilang Amor Powers mula sa Gawad Tanglaw Awards at nakakuha na rin ng nominasyon sa iba pang award giving bodies.
Ang mga mananalo sa International Emmy Awards ay iaanunsyo sa isang seremonya sa Hilton New York Hotel sa November 21.
By Judith Larino