Solong nag byahe si Jodi Sta. Maria sa South Africa nuong Valentine’s day para mag move on.
Kasunod naman ito ng pagsasapubliko ni Jolo Revilla, ex- boyfriend ni Jodi, sa bago niyang karelasyon ang beauty queen na si Angelica Alita.
Sa kanyang Instagram post, makikitang sobrang nag enjoy si Jodi sa kanyang pangingisda ng malaking barracuda at outdoor dinner sa Mataraba.
Binigyang diin ni Jodi na sa naturang byahe ay narating niya ang solitude o pag-iisa ngunit puno ng kapayapaan at kasiyahan.
Matatandaang on and off ang anim na taong relasyon nina Jodi at Jolo hanggang sa tuluyan na silang nag hiwalay nuong nakaraang taon.