Umaasa pa rin ang aktres na si Jodi Sta Maria na darating pa rin ang araw na muli siyang ikakasal.
Ito ay kahit na hindi nagtagumpay ang samahan nila ng unang asawang si Pampi Lacson at nito nga lang nakaraang linggo ay ang pag-amin na break na sila ng kasintahang si Cavite Vice Governor Jolo Revilla.
Ayon kay Jodi, dumating rin siya sa puntong inakala niyang ayaw na niyang muling magmahal at di na siya umasa pang muling ikasal.
Ngunit sa paglipas aniya ng panahon ay kanyang napagtanto na masarap ang muling umibig at muling ikasal .
Kailangan lamang ay matagpuan niya aniya ang tamang taong ito.
Nais din ni Jodi na magkaroon pa ng mga anak sa hinaharap para sa mas masaya aniyang buhay.
By: Ralph Obina