Itinanghal si Joseph Biden Jr. bilang ika-46 na Pangulo ng Estados Unidos matapos ilampaso si incumbent President Donald Trump.
Sinasabing nasungkit ni Biden ang 273 electoral college votes mula sa 538 college votes na higit sa 270 threshold na kailangan niyang makuha laban sa 213 naman ni Trump.
Si Biden ang nagwagi nang masikwat niya ang mataas na kalamangan o 20 electoral votes sa Pennsylvania.
Sa kabila nito, tila hindi pa rin matanggap ni Trump ang kanyang pagkatalo at nagbanta pa itong kukuwestiyunin sa legal na paraan ang validity ng mga balota sa ilang estado.
Samantala, nanawagan naman ng pagkakaisa si Biden sa gitna ng mga kilos-protesta ng kanyang mga taga-suporta at ng mga supporter naman ng kalaban niyang si Trump.