Umaapela ng pang-unawa ang pamilya ni Joey de Leon matapos itong i-bash dahil sa komento hinggil sa sakit na depression.
Ipinagtanggol ng mga anak ni Joey na sina Jocas, Jako at Jio ang TV Host sa serye ng mga pag atake rito online.
Sinabi ng De Leon kids na lahat naman ay nagkakamali kaya’t dapat patawarin na ang kanilang ama lalo na’t nanghingi naman na ito ng sorry.
Una nang humingi ng paumanhin ang TV Host dahil sa mababaw na pagkakaalam niya sa salitang depression, na aniya ay realize niyang hindi pala kapareho ng stress.
Inamin ni De Leon na mismong ang mga anak niya at maybahay na si Eileen Macapagal ang nagsabi sa kaniyang mali ang naging komento niya at may mga mahal sila sa buhay na dumanas at dumaranas ng depression.