Nag-sorry si Eat Bulaga host Joey de Leon sa kaniyang naging komento kaugnay sa depression.
Sa Juan for All, All for Juan segment ng Eat Bulaga, inamin ni De Leon na nagkamali siya nang maliitin ang epekto ng depression.
Sinabi ni De Leon na dahil sa tuksuhan nilang mga dabarkadas ay naging mababaw at magaan ang naging pagtanggap niya sa salitang depression.
Ayon kay De Leon, nasabi niyang gawa-gawa lamang ang depression na inakala niyang pareho lang ng stress.
Habang nabubuhay aniya ay natututo naman ang lahat ng mga bagong bagay.
Matatandaang nag-trending sa social media si Joey de Leon.
Ito ay matapos siyang magbitiw ng mga mabibigat na salita kaugnay sa ‘depression’.
Samantala, pinuri naman sa social media ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza matapos na kontrahin ang mga sinabi ni Joey.
Ani Maine, hindi biro ang ‘depression’ at karamihan ng mga nakararanas nito ay kabataan, kaya’t dapat itong suportahan ng publiko.