Sinuspinde ng TV Host at comedian na si Joey de Leon ang sarili nito sa showbiz partikular sa noontime show na Eat Bulaga.
Ito ay kasunod ng kanyang pahayag ukol sa depresyon na umani naman ng galit ng publiko.
Gayunman, inamin ni Joey ang pagkakamali nito lalo na ang paniniwalang mababaw na usapin lamang ang depresyon.
Sa kanyang Instagram account, inihayag ni Joey na nagkamali siya kaya’t sinususpinde niya ang sarili.
Dahil dito, habang nasa self-imposed suspension, bibiyahe muna ang TV Host/Comedian na kasalukuyang nasa Hong Kong ngayon.
A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo) on
A post shared by Joey de Leon (@angpoetnyo) on