Trending ngayon sa social media ang host ng ‘Eat Bulaga’ na si Joey de Leon.
Ito ay matapos siyang magbitiw ng mga mabibigat na salita kaugnay sa ‘depression’.
Ani Joey, gawa-gawa at nagpapa-sosyal lamang ang mga taong may ‘depression’.
Hinimok pa ni Joey ang publiko na huwag suportahan ang mga ito.
Hindi, ‘wag niyong suportahan, gawa-gawa lang niya yun, pabayaan niyo, nagpapasosyal lang.
Inihayag din ni Joey kung paano dalhin ng mga taong mayayaman at mahihirap ang mental health issues.
‘Pag mayaman, depression.
‘Pag mahirap, wala, wala ka nang pag-asa sa buhay.
Umani ng mga negatibong reaksyon ang mga pahayag ni Joey mula sa netizens na anila, tila hindi naiintindihan ng TV host ang pinagdadaanan ng mga taong may ‘depression’.
Samantala, pinuri naman sa social media ang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza matapos na kontrahin ang mga sinabi ni Joey.
Ani Maine, hindi biro ang ‘depression’ at karamihan ng mga nakararanas nito ay kabataan, kaya’t dapat itong suportahan ng publiko.
Hindi biro yun ah, yung depression.
Hindi siya joke kasi maraming nakakaranas ng ganon, lalo na sa mga kabataan.
Kaya dapat kapag may nakakaranas ng ganon, bigyan natin ng suporta.
Nangyari ang naturang mga pahayag ng TV Hosts sa segment ng noon time show na ‘Juan for all, All for Juan’, kung saan binisita ng Dabarkads ang napiling constestant, na umaming nakararanas ng ‘depression’.