Nasungkit ni British tennis star Johanna Konta ang una nitong WTA title.
Ito ay matapos niyang talunin sa Finals si seven-time grand slam champion Venus Williams.
Bagamat mas lamang sa karanasan si Williams, bilis naman ang naging sandata ni Konta para payukuin ang beteranang kalaban sa iskor na 7-5, 5-7, 6-2.
Dahil dito, makakasama ni Konta si Heather Watson bilang mga nanalo sa WTA tour ngayong taon.
By Ralph Obina
Photo Credit: AP