Nakuha ni John Arcilla ang titulo bilang kauna-unahang Southeast Asian Artist na nakakuha ng Volpi Cup for Best Actor.
Ito ay matapos mag-premiere ang pelikulang pinagbidahan nito na “On The Job: The Missing 8″ sa 78th Venice International Film Festival noong September 2021.
Ang naturang pelikula ay obra ni Direk Erik Matti at ang opisyal na entry ng Pilipinas para sa best international feature sa 95th Academy Awards o mas kilala bilang Oscars.
Inanunsyo ito ng Film Development Council of the Philippines at Directors Guild of the Philippines kahapon.
Tungkol ang pelikula sa mga bilanggo na pansamantalang pinalaya para magtrabaho bilang hitmen-for-hire upang patumbahin ang isang mamamahayag na ibinunyag ang korapsyon sa pamahalaan. – sa panulat ni Hannah Oledan