Nasa amerika ngayon ang aktor na si John Arcilla para i-promote ang kanyang pelikulang Heneral Luna.
Umaasa si John na magpatuloy pa ang tagumpay ng pelikula para mapansin ng American communities lalo ng mga Oscar Award voters.
Ayon kay John isang malaking karangalan kung mapapasama bilang isa sa mga nominado ng 88th Academy Awards ang pelikulang Heneral Luna sa kategoryang Best Foreign Language Film.
Sa ngayon ay tuloy – tuloy ang tagumpay ng Heneral Luna sa Amerika na naiulat pang pumasok sa Top 30 ng box office mojo. com at nakipagsabayan sa ibang hollywood films.
Pinuri rin ng Los Angeles Times si John sa kanyang pagganap nilang si Heneral Antonio Luna.
Mababatid na ilang box office records na rin ang nalagpasan ng historical film na Heneral Luna sa bansa at nakapagtala ng highest grossing Filipino indie film na kumita na ng P400 million pesos.
By Krista de Dios