Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating ACT-OFW partylist Representative John Bertiz III bilang deputy-director general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Pinalitan ni Bertiz sa puwesto si dating TESDA Deputy Director General Gladys Rosales na nasawi noong abril dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kahapon, Hunyo 15, nanumpa na sa tungkulin si Bertiz sa harap ni TESDA Director General Secretary Isidro Lapeña.
Kaugnay nito, pinasalamatan ni Bertiz ang pangulo sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya para sa nabanggit na posisyon.