Aminado ang veteran 90’s star na si John Estrada na hindi na niya ikinagulat ang pagpasok sa relasyon ng isa sa mga anak nitong dalaga kay Janice de Belen na si Inah.
Ayon kay John, bagaman nasa tamang edad na si Inah, hindi ito nangangahulugang dapat madaliin ang pag-aasawa lalo’t nagpahiwatig na ang kanyang anak nang posibleng pagpapakasal sa ka-relasyong si Jake Vargas.
Payo niya sa dalaga, i-enjoy muna nito ang relasyon kay Jake dahil madaling magpakasal subalit hindi biro ang pag-aasawa.
Gayunman, sakali aniyang magdesisyon ang anak na bumuo ng sariling pamilya ay irerespeto niya ito sa ayaw at gusto dahil bahagi ito ng buhay.
Sa ngayon ay abala si John sa kanyang papel bilang si Loki, ang kontrabida karakter ng bidang si Alden Richards na gumaganap naman bilang si Victor Magtanggol sa GMA-7.