Muli nga bang nagkakamabutihan ang dating magkasintahang John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban?
Ito ay matapos maispatan ang dalawang magkasama sa Sarsa restaurant sa Rockwell, Makati.
Sa Facebook post ng nasabing restaurant ay game na game na nagpa-picture ang dalawa kasama ang ilang staff ng resto.
Dahil dito ay muling nabuhay ang pag-asa ng kanilang mga tagahanga na hindi malabong muling magkabalikan ang dalawa.
Matatandaang nag-break ang dalawa noong Marso matapos ang 3 taong relasyon.
Una nang sinabi ni Panganiban na nananatili silang magkaibigan ni Cruz sa kabila ng kanilang paghihiwalay.