Ikinukunsidera ni John Lloyd Cruz ang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban bilang kanyang best friend.
Ito ay kahit nag-break na ang dalawa ilang buwan na ang nakalilipas matapos ang higit 3 taong relasyon.
Naispatan kasi ang dalawa na ‘very friendly’ pa sa isa’t isa sa backstage ng isang show.
“If anything, syempre we don’t want to lose the friendship. Si Angelica has been my best friend and I think she will remain my best friend for life. Walang makakapagpabago noon,” Pahayag ni Lloydie.
Nang tanungin kung posible bang magkabalikan pa sila ni Angelica sinabi nitong: “Let’s not get ahead of ourselves right now. This is not the best time to talk about that.”
Aniya single siya at ine-enjoy niya ang kanyang pribadong buhay sa ngayon.
“It’s not about being single. It’s all about enlightenment para sa akin. It’s all about new discoveries about yourself, your life, kung ano ang gusto mangyari. You only live once and I definitely want to make the most of it. Kung ano man ang pagdadaanan nating journey, it’s all going to be worth it for sure.” Dagdag ng aktor.
Una rito ay sinabi rin ni Angelica na pareho silang masaya ni JL kahit hiwalay na sila nito at sapat na aniya yun para sa kanilang dalawa.