Wala pang plano sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na magpakasal sa kani-kanilang mga karelasyon.
Ayon kay John Lloyd, dahil sa pelikula nilang “A Second Chance” ay mas naging bukas aniya ang kanyang isipan sa bigat ng responsibilidad ng pagpapakasal.
Sinabi naman ni Bea na batid niyang komplikado ang buhay may asawa lalo pa’t marami aniya sa kanyang mga kaibigan ang may mga asawa kaya naman ramdam na ramdam aniya nila ang pinagdadaanan ng mga karakter nina Basha at Popoy.
Idinagdag pa ni Bea na sadyang hindi pa siya handa sa pag-aasawa ngayon lalo pa’t marami pa aniya siyang nais gawin bilang dalaga.
By Ralph Obina