Magtatambal sa kauna-unahang pagkakataon sa isang pelikula under Star Cinema sina Kapamilya Actor John Llyod Cruz at Kapuso Actress Jennylyn Mercado.
Sa instagram post ni Star Cinema Advertising and Promotions Manager Mico del Rosario, sinabi nito na nag-umpisa na ang shooting pelikulang pagsasamahan ng dalawa.
Wala pang working title ang pelikula nina Lloydie at Jen pero ito ay idederek ni Ms. Cathy Garcia Molina.
Samantala excited at masaya si Jen sa kanyang bagong proyekto dahil kabilang umano sa kanyang bucket list ang makatrabaho si John Lloyd.
Ayon rin sa aktres may blessing naman galing sa kanyang mother network ang pagkakaroon ng movie under ng Star Cinema.
Nakatakda namang ipalabas ang Lloydie – Jen movie sa darating na summer.
By Krista de Dios
*Photo from the Instagram of hairstylist Mark Baquiran