Umuugong ang balitang posibleng lumipat na sa Kapuso network si John Lloyd Cruz.
Kasunod ito ng paghahain ng indefinite leave ng aktor sa Kapamilya network para umano tutukan ang ilang personal na bagay sa kanyang buhay.
Ayon sa source ng DWIZ, may ilang beses na namataan si John Lloyd sa Kapuso network ngunit hindi masiguro kung nakikipag-kasunduan na nga ito sa mga big boss ng GMA7.
Nakatakdang magtapos ang kontrata ng aktor sa ABS-CBN sa susunod na taon.
Sa ngayon ay hindi pa matukoy ng Kapamilya network kung kailan magbabalik sa trabaho si Lloydie.