Single and available ang Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz.
Sa isang presscon, kinamusta ang tunay na estado ng love life ng aktor at tahasang sinagot naman na siya ay single.
Ayon kay John Lloyd sa edad niyang 32 ay wala na siyang kailangan pang ilihim o i-deny pa pagdating sa pagkakaroon ng relasyon.
Hindi rin naiwasan itanong kung may closure ba sila ng ex-girlfriend na si Angelica Panganiban.
Para naman kay John Lloyd masyado ng personal ang tanong kaya tumanggi itong magbigay pa ng detalye sa kanilang break up.
Nais man niyang umanong ibahagi ito sa publiko bilang isang showbiz personality ngunit aniya may limitasyon kung hanggang saan lang ang kaya niyang i-share.
By Jenny Valencia