Binasag na ni John Lloyd Cruz ang katahimikan nito sa isyu ng umano’y hiwalayan nila ni Angelica Panganiban.
Ayon kay John Lloyd, walang katotohanan ang mga kumakalat na balita dahil sa okay na okay at masaya naman aniya sila ni Angelica.
Sinabi ni John Lloyd na di na lamang sila nagpapaapekto sa mga naninira at mga tao aniyang hindi na dapat nabubuhay pa sa mundo.
Samantala, inamin ni Lloydie na wife material ang nobyang si Angelica.
Binigyang diin ng aktor na tiyak na magiging masuwerte sinuman ang mapapangasawa ni Angelica at umaasa siya ang mapalad na lalakeng ito.
By Ralph Obina