Dumalo si John Lloyd Cruz sa ni-reschedule na preliminary investigation ng kasong isinampa ng mga magulang ni Eleila Santos sa kanyang girlfriend na si Ellen Adarna.
Kasamang dumating ni John Lloyd kahapon sa Pasig City Prosecutor ang legal counsel ni Ellen.
Tumagal lamang ng tatlumpung minuto ang preliminary investigation at muling hiniling ng kampo ni Ellen na ma-reschedule ito sa June 25.
Magugunitang sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law at RA 10175 o Anti-Cybercrime Law ang girlfriend ni Lloydie.
Ito’y matapos magpost si Ellen sa kanyang Instagram ng video ng menor de edad na si Eleila at inakusahang paparazzi makaraang kunan umano siya habang kumakain sa isang restaurant.
—-