Bigo ang mga magulang ng hazing victim na si Horacio Castilllo the Third na makita at makausap ang isa sa pangunahing suspek na si John Paul Solano na nakakulong sa homicide division ng Manila Police District.
Ayon kay MPD Director Chief Supt. Joel Coronel , tumanggi si Solano na humarap sa mag asawang Horacio at Carmina Castillo dahil wala umano ang abogado nito.
Batay sa pahayag aniya ni Solano kakausapin lamang niya ang mag – asawang Solano kapag kasama na nito ang kanyang legal counsel.
Dahil dito , nag desisyon na lamang ang mag – asawang Castillo na umalis makaraang hindi na dumating ang abogado ni Solano.
Sinabi naman ni Coronel na hindi nila inaasahan at biglaan lamang ang pagdating ng mag – asawang Castillo sa MPD.
Nakatakda namang sumailalim bukas sa inquest proceedings si Solano.
SMW: RPE