Sasampahan ng kasong perjury at paglabag sa anti-hazing law si John Paul Solano na isa sa mga pangunahing suspek sa pagkamatay ni Horacio Castillo III.
Ayon kay Manila Police District o MPD Spokesman Police Superintendent Erwin Margarejo , agad na sumailalim sa booking process sa homicide section si Solano matapos itong sumuko sa tanggapan ni Senador Panfilo Lacson kahapon.
Kasabay nito , nanawagan si Margarejo sa iba pang miyembro ng Aegis Juris Fraternity na lumantad na tulad ng ginawa ni Solano.
Ani Margarejo , bukas ang MPD para sa mga nais lumutang at ilahad ang kanilang nalalaman sa pagkamatay ni Castillo.
SMW: RPE