Nasa kustodiya na ng MPD o Manila Police District si John Paul Solano, isa sa mga itinuturing na suspek sa pagkamatay ni Horacio Castillo lll dahil sa hazing.
Ayon kay MPD Spokesperson Superintendent Erwin Margarejo, dadaan si Solano sa normal na proseso.
Kung saan kukunan ito ng finger prints, mug shot, regular medical checkup at judicial affidavit.
Kinumpirma naman ni Margarejo na si Solano ang nagdala kay Castillo sa Chinese General Hospital kasabay ng initial judicial affidavit nito na siya ang nakakita sa bangkay ni Castillo taliwas sa nakuhang impormasyon ng mga otoridad ngayon.
Kung sisimulan natin ‘yung istorya, siya ‘yung good Samaritan na sinabi niya sa kanyang initial judicial affidavit na siya ‘yung nakita sa bangakay ni Mr. Horacio Castillo III, dinala niya sa Chinese General Hospital.
So, later on, nung vinalidate namin ‘yung kanyang information, ‘yung istoryang ‘yun, hindi naman pala totoo.
Dagdag pa ni Margarejo, nakakuha din sila ng impormasyon na si Solano ay dating law student sa University of Santo Tomas o UST.
Nakakuha din po tayo ng record na siya [Solano] po ay former law student ng University of Santo Tomas from 2015 to 2016.
Sa ngayon po ay hindi siya enrolled sa UST, he is a part time medical technologist sa San Lazaro Hospital.
Nilinaw naman ni Margarejo na walang ibibigay na special treatment kay Solano habang nasa kustodiya nila ito.
Si Solano ay una nang sumuko kay Senador Panfilo Lacson ngayong Biyernes, Setyembre 22.
Panayam ng programang ‘Balita Na, Serbisyo Pa’
_____