Posible umanong makasuhan ng perjury o pagbibigay ng maling pahayag si John Paul Solano.
Sa panayam kay Senador Panfilo Lacson sa programang Usapang Senado with Cely-Ortega Bueno, sinabi ni Sen. Lacson na kung nakasaad na under oath sya o sinertipikahan ni Solano ang nauna niyang pahayag ay posible umano itong makasauhan ng perjury.
Ayon kay Sen. Lacson na personal umano siyang pinili ni Solano upang lumutang at, naging daan umano ang isang dating under secretary ng Malacañang na kakilala ni Lacson kaya napasuko si Solano.
Dagdag pa ni Lacson na depende sa prosecutor o hukuman kung gagawing state witness si Solano, ito umano ay depende sa kanyang kooperasyon at ibidensyang maibibigay sa kailulutas ng kaso sa Horacio Castillo hazing.