Inatasan na ng WBO ang kampo nina Bantamweight Champion John Riel Casimero at Mandatory Challenger Paul Butler na plantsahin na ang negosasyon para sa kanilang sagupaan sa loob ng dalawampung araw.
Magugunitang tinalo ni Casimero via split-decision si Guillermo Rigondeaux noong Agosto pero naging boring ang laban dahil walang ginawa ang Cuban fighter kundi umilag at tumakbo sa loob ng 12 rounds.
Target sanang harapin ni Quadro alas ang kapwa nito pinoy na si nonito donaire sa december 11 pero inatasan din ng WBO ang “The Filipino Flash” na harapin naman kababayang si Undefeated Fighter Reymart Gaballo.
Huling namang lumaban si Butler kay Willibaldo Garcia noong hunyo kung saan nanalo ito via split decision.
Una sanang haharapin ni Butler si Joseph Agbeko subalit umatras ito sa laban dahil sa problema sa visa.—sa panulat ni Drew Nacino