Nasa maayos na kondisyon na ang batang aktor na si John Wayne Sace matapos na mabaril.
Ayon sa aktor, nadamay lamang siya sa pamamaril dahil sa kanyang kasamang si Eric Sabino na sinasabing runner ng droga.
Iginiit ni Sace na kung siya talaga ang target ng pamamaril ay malamang na tinuluyan na siya ng mga gunman.
Napilitan lang din umano siyang sumuko sa Oplan Tokhang dahil sa pangungulit at pagbabanta ng mga pulis.
Una nang sinabi ng Pasig PNP na kabilang ang batang aktor at ang kasama nitong si Sabino sa drugs watch list ng syudad.
Mark Anthony Fernandez
Samantala, tiniyak naman ng pamunuan ng Pampanga Provincial Jail na hindi bibigyan ng special treatment ang aktor na si Mark Anthony Fernandez.
Kasunod ito ng paglilipat kay Fernandez sa Pampanga Provincial Jail mula sa Angeles City District Jail.
Ayon kay Atty . Sylvia Flores, abogado ng aktor, mas maayos na ang kalagayan ng kanyang kliyente sa bago nitong kulungan dahil mas maluwag ito kumpara sa congested na kulungan na pinanggalingan nito.
Nakakulong si Fernandez sa isolation area kung saan dinidetain ang mga presong under disciplinary action.
Marami naman sa mga dalaw ng mga preso ang nagnanais na makita at makapagpa-picture sa aktor.
By Rianne Briones