Mariing itinanggi ng aktor na si Johnny Depp na nananakit siya ng asawa.
Sa kanyang depensa sa isang korte sa London, binigyang diin ni Depp na kailanman ay hindi niya sinaktan ang dati niyang misis na si Amber Heard.
Matatandaan na isang artikulo ang lumabas sa isang British tabloid noon pang 2018 kung saan inakusahan si Depp bilang isang “wife-beater.”
Batay sa kasong libelo na isinampa ni Depp laban sa executive editor ng The Sun na si Dan Wootton, nakasira sa kanyang reputasyon ang inilabas na artikulo ni Wootton.
Samantala, idinepensa naman ng mamamahayag na ang isinulat niyang iyon ay ibinase lamang niya sa naging alegasyon naman ni Heard na aniya’y nangyari sa pagitan ng 2013 hanggang May 2016.