Tinawag na sinungaling ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Johnny Pimentel, si ERC o Energy Regulatory Commission Chairman Jose Vicente Salazar.
Ito ay sa pagdinig ng komite hinggil sa mga maanomalyang transaksyon ng ERC na kabilang sa mga sinasabing dahilan kung bakit nagpatiwakal si dating ERC Director Francisco Jose Villa Jr.
Sa pagdinig, nanindigan si Salazar na wala siyang alam sa proseso ng procurement, para sa planong renovation sa boardroom ng ERC.
By Katrina Valle