Mas mabisa at kayang labanan umano ng Johnson & Johnson COVID-19 booster shots ang panibagong variant na Omicron na 3 hanggang 5 beses na mas nakakahawa kaysa sa Delta variant.
Ayon kay South Africa Medical Research Council Head Glenda Gray, 85% epektibo ang naturang booster kung saan, kaya nitong protektahan ang isang indibidwal laban sa Omicron variant.
Sinabi ni Gray na kayang tumagal ang bisa ng naturang bakuna hanggang 2 buwan kung saan, kabilang sa pag-aaral ang 477, 234 Healthcare workers, na binakunahan ng J&J shot, kung saan 236K ang naturukan ng J&J booster shot.
Base sa Laboratory Study ng US, pinapakita dito na ang bakuna ay kayang pasiglahin at palakasin ang ating Immune system mula sa ating mga cell laban sa malubhang sakit.
Batay sa bilang ng mga Healthcare workers na tinamaan ng COVID-19 sa ika-4 na wave nito, nabawasan ng 63% ang bilang ng mga na-ospital na naturukan ng J&J booster sa unang dalawang linggo ng pagkakaturok nito, at hanggang 85% naman sa pagitan ng isa hanggang 2 buwan.
Ang J&J booster ay ibinibigay sa pagitan ng 6 at 9 na buwan pagkatapos ng unang dose ng bakuna. —sa panulat ni Angelica Doctolero