Muling pinahintulutan ng Anvisa ang pagsasagawa ng clinical trial ng bakuna kontra COVID-19 na Johnson and Johnson sa Brazil nitong Martes.
Matatandaang sinuspinde ang nasimulang clinical trial sa naturang bansa noong Oktubre 12 upang malaman ang ‘di maipaliwanag na sakit ng mga nakiisa sa Phase III clinical trial
Ayon sa Anvisa nang matigil ang trial 12 na volunteers sa Brazil ang nakatanggap ng bakuna o ng placebo.
Samantala ang J&J ang isa sa 4 na bakuna na dumaraan sa clinical trial sa Brazil na pangatlo sa may pinakamataas na COVID-19 case sa mundo.— sa panulat ni Agustina Nolasco