Magsasagawa ng joint air force drill ang hukbong panghimpapawid ng Amerika at South Korea sa unang linggo ng Disyembre.
Kasunod pa rin ito ng pagtutol ng bansa sa nuclear at missile program ng North Korea.
Ayon sa South Korean Defense Ministry, tatawagin ang nasabing drill ng ‘vigilant ace’ na gaganapin mula December 4 hanggang 8 at lalahukan ng malaking bilang ng F-22 fighter jets.
Ang ‘vigilant ace drill’ ay isang bilateral training na isinasagawa ng Amerika at SoKor dalawang beses sa isang taon bilang pagsasanay sa panahon ng kaguluhan.
Nabatid na nasa 16,000 tropa ng Amerika ang nakilahok sa drill sa mga nakalipas na taon.
—-