Sinimulan na ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia ang joint air patrols bilang bahagi ng pinaigting na kampanya kontra Islamic State na kasalukuyang nakikipaglaban sa mga tropa ng gobyerno sa Marawi City.
Isang seremonya ang idinaos sa isang airbase sa Malaysia na dinaluhan nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Indonesian Defense Minister Ryamizard ryacudu at Malaysian Defense Minister Hishammuddin Hussein.
Ayon kay Hussien, mahalaga ang pagsasagawa ng joint air patrol upang mapigilan ang posibleng paglabas-masok ng mga hinihinalang ISIS member sa Malaysia, Pilipinas at Indonesia.
Nagsilbi namang observers ang mga security official ng Singapore at Brunei.
Kabilang sa mga tinututukan ang Sulu Sea at Celebes Sea na ginagawang entry at exit point ng mga terorista.