Inihayag ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año na tuloy ang Joint Balikatan Exercises sa pagitan ng mga sundalong Amerikano at Pilipino sa Abril.
Ito’y bilang bahagi ng commitment ng Pilipinas para sa pagpapaunlad ng kapabilidad ng magkabilang panig sa larangan ng pagtugon sa iba’t- ibang security situation at disaster at humanitarian assistance.
Itinakda sa 19 ng Mayo ang closing ceremony ng Balikatan Exercises kung saan imbitado naman ang tropa ng Japan bilang mga observer.
By: Meann Tanbio