Lumarga na ang joint exercises sa pagitan ng mga tropa ng Estados Unidos at South Korea na bahagi ng taunang pagsasanay ng kanilang defense sa North Korea.
Labing pitong libong (17,000) American troops ang kasali sa nabanggit na joint exercise, habang mahigit 30,000 ang South Koreans.
Ayon sa South Korean Government, ang joint US-South Korean military exercises ay itinuturing nilang pinakamalaking pagsasanay kasunod ng nuclear test ng North Korea noong Enero at paglulunsad ng long-range rocket noong nakaraang buwan na nagresulta sa pagpapataw ng pinakamabigat na sanction ng UN Security Council.
Kasabay nito, ipinabatid ng South Korean Defense Ministry na sa ngayon ay wala silang namo-monitor na anumang ‘unusual military activity’ ng North Korea.
By Meann Tanbio
Photo Credit: Reuters