Dismayado si Magdalo Party-list Representative Gary Alejano sa tila pagkikibit-balikat ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.
Ito’y kaugnay sa naging pagsisiwalat ni Alejano hinggil sa presensya ng ilang barkong pandigma ng China malapit sa Pag-asa Island na bahagi ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay Alejano, nakalulungkot aniyang mismong ang foreign affairs department ng Pilipinas ang nagbabalewala pagbabantang ito ng China sa Pilipinas.
Kasunod nito, hinamon din ng mambabatas ang adminsitrasyon na maghain ng diplomatic protest sa hakbang na ito ng China gayundin ay isapubliko ang pinasok nitong joint exploration sa China sa nasabing karagatan.