Posibleng bago matapos ang taong ito ay mapirmahan na kasunduan para sa joint exploration ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Ang pirmahan ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ay posibleng mangyari anumang araw hanggang sa pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa Nobyembre.
Matagal na aniyang napagkasunduan at pina-plano ang pagbisita ng Chinese president sa Pilipinas.
Sinabi ni Roque na hindi lamang pagbisita sa Pilipinas ang alok ng pangulo kay Xi kundi isang dinner at pagpunta nito sa kaniyang bahay sa Davao City.
Binigyang diin ni Roque na alinsunod sa batas ang inaasahang joint exploration at hindi nangangahulugang ibibigay ng Pilipinas ang teritoryo nito sa China.