Isasagawa na sa lalong madaling panahon ang joint exploration ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Ito ang inihayag ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano sa House hearing ng proposed budget ng DFA para sa susunod na taon.
Gayunman, nilinaw ni Cayetano na kailangan pang pumasa sa Supreme Court ang babalangkasin nilang legal framework.
“If you talk about the whole West Philippine Sea where the Philippines have claims, the possible natural gas and oil there is about 50-100 times of Malampaya. If makahanap tayo ng framework na payag ang Chinese, payag ang Pilipino it will pass with flying colors sa Supreme Court and we can protect our territorial and economic rights.” Pahayag ni Cayetano.
Samantala, tiniyak naman ng kalihim na hindi maisasantabi ang iba pang claimant sa pinag-aagawang teritoryo.