Hindi inaalis ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na matuloy ang joint exploration ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Pero nilinaw ni Pangulong Duterte na bukod sa Pilipinas at China, ay maaari ding sumali sa joint exploration ang mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN na umaangkin din sa mga islang bahagi ng Spratly archipelago.
Hindi lamang aniya ito usapin sa pagitan ng Pilipinas at China, dahil claimant din ang mga bansang Taiwan, Vietnam, Malaysia at Brunei.
Bunsod nito, nagkasundo naman ang claimant countries na kung magkakaroon ng joint exploration sa naturang karagatan, mahigpit nilang ipagbabawal ang black sand mining.