Walang nakikitang masama si Foreign Affairs Alan Peter Cayetano kung makikipagtulungan ang Pilipinas sa China para magsagawa ng isang joint exploration sa mga hindi pa nadidiskubreng yaman ng bansa.
Ayon kay Cayetano, makabubuti kung makikipagtulungan ang Pilipinas sa China para sa posibilidad na makahanap ng mga bagong gas reserve sa bansa na katulad o higit pa sa Malampaya.
Aniya, batay sa pag-aaral ng Department of Energey (DOE) posibleng maubos na ang reserba ng Malampaya sa 2024 hanggang 2027.
Iginiit pa ni Cayetano na hindi nangangahulugang ang pakikipagmabutihan ni Pangulong Rodrigo sa China ay nangangahulugang ipinagtatanggol nito ang mga aksyon ng nasabing bansa sa South China Sea.
Magugunitang una nang inihayag ng Malacañang na naaayon sa konstitusyon ang posibilidad na pagkaroon ng joint exploration ang Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
—-