Pag-aaralan ng Malacañang ang joint exploration sa pagitan ng Pilipinas at China hinggil sa usapin ng West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kasunod ito ng reaksyon sa sinabi ni Chinese Minister Liu Jianchao, na nagpahayag ng pag-asa na isasaalang-alang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang joint exploration.
Umaasa si Jianchao, na magpapatuloy ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng dalawang bansa.
Matatandaang sa unang naging State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Pangulong Marcos na hindi niya isusuko ang kahit isang pulgada ng teritoryo ng bansa sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Nabatid na ang West Philippine Sea ay mayaman sa langis, gas at iba pang mapagkukuhanan ng enerhiya.