Nanindigan si Pangulong Bongbong Marcos na dapat ipaglaban ng Pilipinas ang joint oil exploration sa West Philippine Sea.
Ayon sa pangulo, malaking bagay para sa Pilipinas ang proyekto dahil kailangan na ng supply ng langis ng bansa kaya’t nais niyang matuloy ang joint exploration.
Gayunman, natigil anya ang aktibidad dahil sa pag-angkin ng China sa teritoryo.
Tiniyak naman ni PBBM na patuloy na hahanap ng paraan at solusyon ang gobyerno upang matuloy ang paghahanap ng langis sa pinag-aagawang teritoryo.