Tutol si Supreme Court Acting Chief Justice Antonio Carpio sa planong magsagawa ng joint exploration ang Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Carpio, tila pagpapakita na ito ng pagsuko sa mga ipinaglalabang teritoryo ng Pilinas dahil sa pagpayag nito na maka-isa ng China sa pagtuklas ng mga likas yaman nito.
Malinaw aniyang nakapaloob sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ang mga inaangking teritoryo na nangangahulungang may karapatan ito sa paggamit o paglinang ng mga likas yamang nakabalot dito.
Kung igigiit aniya ng Pilipinas ang nasabing plano, malinaw na magkakaroon ng paglabag sa saligang batas ang administrasyon at ito aniya’y hindi katanggap-tanggap.
RPE