Pinamamadali na ni Senator Robin Padilla ang joint exploration sa pagitan ng China at Pilipinas hinggil sa usapin sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Sen. Padilla, hindi na dapat magsayang pa ng panahon at oras at kailangan nang ikunsidera ng kapwa niya mga senador ang senate resolution no. 9 o ang bilateral talks ng bansa sa China kaugnay sa oil and gas development sa WPS.
Nanawagan si Padilla na sana’y maging bukas ang bawat isa sa pagbibigay ng paraan upang makatulong at maibsan ang mga hinanaing ng taumbayan lalo na ang mga hikahos sa buhay.
Sinabi ni Padilla na hanggang sa ngayon ay marami paring mga dambuhalang barko ng China ang humaharang sa mga pilipinong mangingisda sa ilang karagatang sakop ng Pilipinas.
Bukod pa diyan, marami ding pilipino ang naghihirap dahil sa mataas na singil sa presyo ng produktong petrolyo bunsod parin ng patuloy na girian sa pagitan ng russia at ukraine at pabago bagong presyo nito sa international market.