Nanganganib na mag-alburoto muli ang North Korea sa ilalargang joint military drills ng US at South Korean Armed Forces malapit sa border ng North Korea.
Opisyal na magsisimula ang military activities bukas na lalahukan ng limampung libong sundalo mula South Korea at halos labingwalong libong sundalong kano.
Ipinagbigay-alam na ng US at South Korea ang ilulunsad na military drills sa North Korea sa pamamagitan ng loudspeaker na ipinarinig sa mga North Korean authority sa bayan ng Panmunjom na nasa demilitarized zone.
Gayunman, tiyak na sasagutin ito ng North Korea at maaaring maglunsad din ng sariling military activity tulad ng pagpapakawala ng missile o artillery exercises.