Naglunsad din ng joint military exercises ang US at South Korean Armed Forces ilang oras matapos isagawa ng North Korea ang kanilang malaking military drills.
Isinagawa ng US at SoKor ang kanilang aktibidad labinlimang (15) milya mula sa North Korean border.
Kabilang sa mga aktibidad ang live-fire drills ng mga tanke de giyera, self-propelled artillery at airstrike.
Samantala, ipinosisyon na ng Amerika ang kanilang terminal high altitude area defense anti-missile system sa SoKor bilang depensa sa posibleng pagpapakawala ng mga nuclear missile ng NoKor.
Hinimok naman ng China at Japan ang US, South at North Korea na iwasan ang hamunan upang maiwasan din ang pinangangambahang pagsiklab muli ng Korean war.
By Drew Nacino
Joint military exercises inilunsad din ng US at South Korea was last modified: April 27th, 2017 by DWIZ 882