Sinimulan na ng mga bansang China, Iran at Russia ang kanilang apat na araw na joint naval drill exercise.
Ayon kay Rear Admiral Gholamreza Tahani ng Iran, nagpapakita ng pagkakaibigan, kapayapaan at pagkakaisa ang ipinapakita ng naturang aktibidad.
Aniya, ipinapahiwatig din nito na hindi dapat i-isolate ang Iran.
Kasama sa drill ay ang pag-rescue sa mga sasakyang pandagat na inaatake ng mga pirata at shooting excercises.
Samantala, gaganapin ang naval drill ng tatlong bansa sa Indian Ocean at Gulf of Oman.