Magsasagawa ang Russia at China ng joint naval exercise sa East China Sea.
Ayon sa defense ministry ng Russia na magsisimula ang nasabing drills sa Disyembre 21 -27.
Layunin nito na mapalakas ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang navies sa pagpapanatili ng kapayapaan sa katahimikan sa Asian Pacific Region.
Samantala, magpapadala ang China ng 2 nilang destroyers at ilang mga barkong pandigma.
Kasama sa naval exercise ang joint anti-submarine warfare at training para sa missile launches.